Tuesday, March 24, 2009

piNaKaMuRang daMit pAra Sau. :)

I. BIHIS DITO, BAKASYON DOON


A. PANUKALANG PAHAYAG

Sa Divisoria matatatagpuan ang pinakamurang "swimwear" na para sa mga kababaihan na nasa hustong edad.


B. INTRODUKSYON

Napili ng mga mananaliksik ang paksang ito, para sa mga kababaihan na nagnanais bumili ng "swimwear" na abot kaya. Nais ng mga mananaliksik na mapatunayan na sa Divisoria mayroong mga "swimsuit o swimwear" na mas mura kumpara sa mga "swimwear" na nasa ibang pamilihan.

Sa pananaliksik na ito, malalaman na ang Divisoria ay kilala sa bilihang pangmaramihan o "bulk sale o whole sale" at sa pamamamagitan nito ay mas makamumura ang mga tao, lalo na ang mga negosyante. Maaari rin namang tingian o isahan ang bili ngunit mas mahal ng kaunti kaysa sa maramihan.

Napili ng mga mananaliksik ang paksang ito, dahil sa hilig din nila ang pagbili ng "swimwear" na kung saan maaari silang makapag bigay ng ideya kung saan maaaring makamura. At isa pa, ito ay makapagbibigay kaalaman sa mga negosyante na nagnanais magsagawa ng ganitong uri ng negosyo.


C. REBYU O PAG-AARAL

Sa pananaliksik na ito ay may nakalap na mga datos at impormasyon ang mga mananaliksik mula sa internet. Ang mga rebyu na ito ay mula sa mga blog ng mga Pilipino at pati na rin sa mga dayuhan na mahilig maghanap ng mga damit sa Divisoria.

Isa rito ang blog ni (joanjoyce.com) na nagtatalakay na sa Divisoria nga makakakita at makakabili ng mura na swimwear. Ang Divisoria ay makatutulong sa mga tao o mamamayan na nagnanais na bumili ng mas mura na swimsuit na para sa mga kababaihan. Sa Divisoria maaaring bumili ng swimwear ang mga taong kapos palad na hindi kayang makabili sa mga malls dahil sa sobrang ahal ng presyo nito. Dahil sa Divisoria ay makakapag suot ang mga ordinaryong tao na nagnanais makapagsuot nito.

Sumunod ay ang blog ng (tiangge check: Divisoria @ clickthecity.com) kung saan makikita din, na sa mahabang panahon, ang Divisoria ay kilalang "mecca of valued shopping". At ito, ay isa sa mga bahagi ng kasaysayan. Sa nasabing blog makikita ang mga iba't-ibang pamilihan ng mga damit, at iba pang mga produkto.

Mga Presyo ng Swimwear na nakalap ng mga mananaliksik:

1. Speedo
a. 1 piece- Php. 1,870
b. 2 piece- Php. 1,180- Php. 1780

2. Adidas
a. 1 piece- Php. 1439.60
b. raserback- Php. 1,119.60

3. Nike
a. 1 piece- Php. 2,159.60

4. Roxy
a. 2 piece- Php. 1,838- Php. 3,278
b. 1 piece- Php. 1,758

5. SM Department Store
a. 1 piece at 2 piece- Php. 500-1,000


6. Divisoria
a. 1 piece Php. 100-400
b. 2 piece Php. 150-700


D. LAYUNIN

Layunin ng mga mananaliksik na makakalap ng sagot impormasyon, kung bakit sa Divisoria makabibili ng mga murang "swimsuit". Layunin din ng mga mananaliksik na makapagbigay ng impormasyon sa mga kababaihan na nasa hustong edad, kung gaano kamura ang mga "swimwear" na mabibili dito.

Nilalayon din ng pananaliksik na ito na makatulong at makapagbigay ng impormasyon sa mga negosyanteng nagnanais magsagawa ng ganitong uri ng negosyo. Sa pananaliksik na ito, mamumulat ang kaisipan ng sinumang negosyanteng nagnanais magtayo ng tindahan ng mga swimwear.

Layunin din ng mga mananaliksik, na ipakita sa lahat, lalo na sa mga kababaihan na walang sapat na pera upang makabili ng mamahaling mga "swimsuit", na sa Divisoria maaari silang makatagpo ng mga murang "swimwear" kung saan mas madali para sa kanilang bumili.

Layunin din ng pananaliksik na ito na makatulong sa "financial crisis" ng bansa, dahil sa paraang pagbili ng murang "swimsuit" ay makakatulong ang mga taong makapagtipid.


E. HALAGA

Ang pananaliksik na ito ay mahalaga, sapagkat maaari itong makatulong sa mga kababaihang nagnanais bumili ng swimwear, ngunit hindi nila mabili ang mga ito dahil sa mahal na mga presyo sa ibang pamilihan.

Mahalaga rin ito, dahil maraming kababaihan na walang kakayahang bumili ng mamahaling "swimsuit", kung kaya't ang mga kababaihan na nasa hustong edad ang pangunahing makikinabang dito.

Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, mabubuksan ang kaisipan ng mga kababaihan na mamili ng "swimsuit" sa Divisoria, dahil dito nila matatagpuan ang presyo na naaayon sa kanilang pera.
Isa pa, makikinabang din ang mga negosyante ng mga "swimwear" dahil sa pananaliksik na ito, makapagbibigay ng mas malawak na ideya at kaalaman ukol sa kanilang hanapbuhay.


F. KONSEPTWAL NA BALANGKAS




Nais ipahayag ng balangkas na ito, na sa Divisoria matatagpuan ang pinakamurang damit, na abot kaya sa pera ng mga mamimili, tulad ng mga kababaihang nasa hustong edad, at mga negosyanteng nagnanais magtayo ng tindahan ng mga "swimwear".

Makikita din sa balangkas na ito, na mas dapat tangkilikin ang mga "swimwear" na ibinebenta sa Divisoria, kumpara sa ibang pamilihan.


G. METODOLOHIYA

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng internet upang mapalawak pa ang kanilang kaalaman ukol sa paksa. Nagshop-hopping din sila upang malaman ang mga presyo ng mga swimsuit, at mapatunayan na sa Divisoria mayroong pinakamurang swimsuit na maaaring tangkilikin ng mga kababaihan na nasa hustong edad.

Nagsagawa din ang mga mananaliksik ng interview sa isang tindera ng mga damit. Ayon sa negosyanteng ito, ang bentahan ng "swimwear" ay matumal sa ordinaryong panahon. Hindi tulad ng bakasyon, malakas ang bentahan ng mga nasabing produkto dahil sa panahong ito patok na patok.

Isa pa, nagsaliksik din ang mga mananaliksiksa internet, upang lalong mapatunayan na sa Divisoria makabibili ng mga murang "swimsuit". Makikita sa blog na nabanggit sa rebyu o pag-aaral ang mga naisagawang pananaliksik sa internet.


H. DELIMITASYON

Ang pagtutuunan ng pansain ng pananaliksik na ito ay ang mga impormasyon tungkol sa Divisoria, upang lubos na mapatunayan ng mga mananaliksik ang mga benepisyong makatutulong sa mga kababaihan na nasa hustong edad, at sa mga negosyanteng naghahangad na magtayo ng tindahan ng mga "swimwear".

Maaaring nabanggit ang ibang uri ng pamilihan tulad ng S.M Department Store, ngunit mas bibigyang pansin ng pananaliksik na ito ang mga impormasyon tungkol sa Divisoria.

Binigyang pansin din ng pananaliksik na ito, ang iba't ibang presyo ng mga "swimwear" sa ibang uri ng pamilihan, upang mas mapatunayan na sa Divisoria makabibili ng pinakamurang "swimwear" na maaaring tangkilikin ng mga kababaihang nasa hustong gulang.


I. DALOY NG PAG-AARAL

1. Ang unang kabanata, ay tumatalakay sa paksa ng pananaliksik na ito, kung bakit sa Divisoria makabibili ng murang "swimwear" at kung ano nga ba ang pinagkaiba ng presyo nito sa iba pang pamilihan tulad ng malls, tiangge, at iba pa. Umiikot din sa pananaliksik na ito ang halaga at layunin ng paksa, kung ano ang gustong patunayan ng mga mananaliksik ukol sa murang swimwear sa Divisoria.

2. Ang ikalawang kabanata ay tungkol naman sa kasaysayan ng swimwear at ng Divisoria. Itinatalakay dito kung saan nagsimula ang pagsusuot ng swimwear at kung paano lumaki ang Divisoria at nagkaroon ng maraming pamilihan ng iba't ibang produkto na tinangkilik ng mga karamihan.

3. Ang ikatlong kabanata ay binubuo ng mga presyo ng swimwear na maaaring mabili sa malls at sa Divisoria.

4. Ang ikaapat na kabanata ay binubuo ng mga rason kung bakit mas kinahuhumalingang bilhan ng mga tao ang Divisoria kaysa sa ibang pamilihan tulad ng Malls.

5. Ang ikalimang kabanata ay binubuo ng kongklusyon ng pananaliksik.

6. Ang ikaanim na kabanata ay binubuo ng rekomensdasyon ukol sa panukalang pahayag.

7. At ang huling kabanata ay binubuo ng sanggunian at kung saan nakuha ang mga datos at impormasyon ukol sa pananaliksik. At ang pasasalamat.


II. PUNTA DITO, TINGIN DOON

Nais ipahatid ng mga mananaliksik ang kahulugan ng swimwear. Ito ay maituturing na “fashion trend” sa panahon ngayon, dahil sa ipinakikita nito kung gaano kahilig ang mga tao sa sining. Naipapakita nito ang mga hilig ng mga tao sa mga bagay na kung saan maaaring maipakita nila ang hugis o hubog ng kanilang katawan.



Sinasabing ang "swimsuit o ang swimwear" ay nagsimula noong 1960’s na ang mga kababaihan ay nagsusuot ng two piece upang takpan ang mga parte ng kanilang katawan. Ito ay isang damit na ginagamit ng mga kababaihan sa mga pang tubig na aktibidad. Ngunit kalaunan ay nawala ang pagsusuot nito. Nang mabalik ay naging gown ito na nasusukat mula balikat hanggang tuhod na my kasamang “leggings”. Sa pamamagitan ng isang babae na nagsimula ng pagtanggal muli ng mga tela sa balikat at braso, ay bumalik muli ang pagsusuot ng two piece. Nagsimula ito ulit noong world war II.



Ang divisoria ay kilala bilang isang lugar kung saan maraming tiangge na nagtitinda ng mga gamit na makikita rin sa mga malls ngunit ang mga ito ay mayroong abot-kayang presyo. Sa divisoria makikita ang mga hinahanap-hanap ng mga tao na mga gamit na mabibili nila na hindi lamang isa o dalawa, ngunit maramihang gamit dahil dito makabibili ng maramihan.


Sa nakalap na mga impormasyon ng mga mananaliksik, ukol sa kasaysayan ng Divisoria, ito ay nagsimula sa mga Tsino na mahilig magbenta ng mga bagay-bagay sa Intramuros. Ang Intramuros ay nilagyan ng isang malaking harang ng mga Espanyol dahil sa napapansin nila na ang lugar ay ginagawa ng tindahan ng mga Tsino. Naghanap ng panibagong lugar ang mga Tsino na kung saan makakapagbenta muli sila. Nakita nila ang lugar ng Binondo na kung saan ito ay nakasentro sa Maynila. Nang kinalaunan, ay naging popular ang lugar na ito at nabansagan na “Divisoria” o mas kilala sa tawag na “Divi”.


Sinasabi din na ang Divisoria ay nagsimula noong
1572, sa mga Pilipino at pati na rin sa mga Intsik. Silang mga nangangalakal ay naghanap ng ruta kung saan maaaring magtinda na kung saan sila ay mabilis na kikita. Ginamit nila ang Ilog Pasig upang maresolba ang kanilang problema. Sa tulong ng Ilog at ng Canal de la Reina ay nakapasok ang maraming negosyante sa Maynila. Sila ay nagtayo ng kani-kanilang bahaykubo. Ang tindahan ng mga Pilipino at mga Tsino ay magkakahiwalay din. Dahil dito ay pinangalanan ng mga Espanyol ang Paseo bilang "Divisoria" na ang ibig sabihin ay "naghahati o naghihiwalay".


III.PILI RITO, BILI DOON

B. KONKLUSYON
Sa pananaliksik na ito, maraming maaaring matutunan ang mga mambabasa. Ito ay nagbibigay impormasyon kung bakit naging patok ang Divisoria sa mamamayan, lalo na sa mga kababaihan na mahilig tumangkilik ng mga “swimwear”. At sa ganitong paraan, malalaman nila kung sa papaanong paraan sila makamumura sa pagbili ng “swimwear”.

Ang mga mananaliksik ay sang ayon sa naging panukalang pahayag, dahil kanilang napatunayan na sa Divisoria makabibili ng mga “swimwear” na pangbabae na may murang halaga. At ang pananaliksik na ito ay lubos na nakapagbibigay ng kaalaman sa mga negosyanteng nagnanais magtayo ng tindahan ng mga “swimwear”.



C. REKOMENDASYON


Ang pananaliksik na ito ay para talaga sa mga kababaihan na mahilig bumili ng “swimwear”. Ipinaaalam ng mga mananaliksik, na ang pagbili ng swimwear sa Divisoria ay nakalalamang kaysa sa pagbili sa mga Malls, dahil ang mga “swimwear” na ito ay mas mura kumpara sa ibang pamilihang nabanggit sa pananaliksik.

At para naman sa mga negosyante, makalalamang pa din ang pagbili sa Divisoria ng mga ito, dahil sa mas marami ang mabibiling “swimwear” dahil sa mas mura ang mga panindang nasa “bulk sale”. Kung kaya’t mas makatutulong para sa mga negosyante ang pagbili ng mga “swimwear” sa Divisoria.


IV. SANGGUNIAN

Curtis, J. J. Sunkissed: "Swimwear and the Hollywood Beauty". Boston: Collectors Press, Inc., March 2003.


McKenzie, Joy."The Best in swimwear Designest Series". New York:Annova Book Company, 1998.


Sew, Kwik. "Kwik-Sew's and Action Wear". Kwik Sew Pattern Company, Inc., May 1995.


Probert, Christina., Potter, Charlie L. "Fashion in Vogue Sice 1910: Swimwear". Washington D.C.: Abbeville Press, Ic., June 1983.


Hayes, Bryan. "Sensual Swimwear": Random House Value Publishing Inc., August 1991.


Martiin, Richard., and Koda Harold. "Splash!: A History of Swimwear". Rizzoli, July 1993.



No comments:

Post a Comment